DOJ, iniimbestigahan na rin kung may sapat na permit ang paglabas ni Dera sa NBI

Iniimbestigahan na rin ng Department of Justice kung may sapat na permit ang naging paglabas ng detainee na si Jad Dera mula sa NBI detention facility

Ayon kay DOJ ASec. Mico Clavano, pumunta umano si Dera sa Makati para makipagkita sa ilang tao na di na niya pinangalanan ng DOJ.

Samantala, kabilang din sa kanilang titingnan kung may nangyaring sabwatan sa pagitan ng mga tauhan ng NBI at ng naturang high profile detainee.

Samantala, nilinaw naman ng abogado ni Dera na si Atty. Raymund Palad na lumabas ang kanyang kliyente  sa pasilidad  para umano magpatingin sa doktor dahil masama ang kanyang pakiramdam.

Gamit pa aniya nila ang marked vehicle ng NBI kaya ikinagulat ng kaniyang kliyente ang pangyayari. Handa naman nilang sagutin ang anumang alegasyon at imbestigasyon.

Itinanggi rin ng kampo ni Dera na may kaugnayan siya kay Rep. Arnolfo Teves Jr. //CA, edited MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *