DOJ – ipinag-utos na ang imbestigasyon sa ‘strip search’ sa Bilibid

Iimbestigahan na ng Department of Justice (DOJ) ang napaulat na umano’y strip searches na isinasagawa sa mga pamilya ng persons deprived of liberty (PDLS).

Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, hindi kailanman kukunsintihin ng ahensya ang ganitong pagkakamali ng mga prison guards na guilty sa pang-aabuso ng kanilang tungkulin.

Tinitiyak din nito na pananatilihin ng DOJ ang ‘highest degree of respect for human rights’ sa pagsasagawa ng Corrections functions.

Samantala, pinare-review rin ng kalihim ang sanction na ipinatawa sa mga lumabag na mga tauhan.

Mababatid na naghain ng reklamo ang mga misis ng ilang PDLs sa Commission on Human Rights (CHR) laban sa naranasan nilang ‘strip search’ sa New Bilibid Prison Maximum Security Compound noong Abril.

Ipinag-utos na rin ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Catapang ang imbestigasyon hinggil dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *