DOJ – mag-iimbestiga na rin sa ‘di umano’y cyanide fishing sa WPS

Nanindigan ang Gobyerno ng Pilipinas na hindi nila kokonsintihin ang cyanide fishing sa West Philippine Sea.

Ito ang idiniin ni Justice Sec. Boying Remulla matapos ang mga alegasyong nagsasagawa umano ng iligal na pamamaraan ng pangingisda sa ating mga teritoryo.

Sabi ni Remulla – ‘di raw nila hahayaang mapinsala ang ating mga likas na yaman; at ma-deprive ang mga Pilipino sa karapatan nating makapangisda.

Aniya, aktibo raw silang mangangalap ng ebidensya at handa silang maghain ng legal case laban sa mapanirang pangingisda na ito.

Kung maaalala – una nang sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos kahapon na sakali mang mapatunayan ang cyanide fishing ay ‘di mag-aatubili ang Gobyerno ng Pilipinas na kasuhan ang China.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *