DOJ, maghahain ng kaso laban sa pinsala ng China sa marine ecosystem sa WPS

Pinaghahandaan na ng Department of Justice (DOJ) ang paghahain ng kaso laban sa mga pinsalang naidulot ng China sa marine environment sa West Philippine Sea (WPS).

Ito ang kumpirmasyon ni former Supreme Court (SC) associate justice Antonio Carpio sa mga naunang balita kung saan sinasabing tinitingnan ng DOJ ang pagpapanagot sa China para sa malawakang damage na naidulot nito sa Rozul Reef at Escoda Shoal.

Ayon kay Carpio, pinaplantsa na nila ang kaso hinggil sa nasirang coral reef system.

Pananagutin umano nila ang China sa mga napinsalang coral reefs – na siyang lugar kung saan nagbi-breed ang mga isda.

Kung wala raw ang mga coral reefs, mawawalan din ng isda sa West Philippine Sea.

Ang bagong reklamong ito ay hihiling ng monetary damages mula sa China para sa mga aktibidad na pumapatay sa seabed ng isla.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *