DOJ, magkakasa ng hiwalay na imbestigasyon laban sa SBSI

Magkakasa ng hiwalay na pagdinig ang Department of Justice kaugnay ng mga alegasyon laban sa inakusahang kulto sa Socorro, Surigao del Norte.

Sa gitna nito, pinaplantsa na ang mga hakbang para sa proteksyunan ng mga naiipit na miyembro.

Binawi na rin ng Department of Environment and Natural Resources na alagaan ang SBSI dahil sa paglabag ng mga ito sa mga kasunduan kaya nangangamba ang mga residente sa nasabing lugar.

Ayon Justice Sec. Jesus Crispin Remulla, kailangan ng coordination ng iba’t ibang ahensya para mabigyang proteksyon ang iba pang miyembro ng SBSI.
Sa lunes aasahan ang pagdalo ng lider ng grupo na si Jey Rence Quilario o Senior Agila at iba pang miyembro sa hearing ng panel na binuo ng DOJ.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *