DOJ, nagbabala laban sa mga dayuhang sangkot sa human trafficking sa bansa

Nagbabala ang Department of Justice laban sa mga dayuhang sangkot sa mga iligal na pagnenegosyo at operasyon ng human trafficking sa bansa.

Ito ay matapos makatanggap ang DOJ ng bagong hanay ng mga kaso laban sa mga abusadong Chinese national na sangkot sa mga operasyon ng isang prostitution/scam hub sa Pasay City na sinalakay ng mga awtoridad noong Oktubre 2023.

Sa isang 8-pahinang complaint affidavit, sinampahan ng Philippine National Police – Luzon Field Unit – Women and Children Protection Center (PNP-LFU-WCPC) ang 26 Chinese ng mga kasong serious illegal detention at iba’t ibang paglabag sa mga batas laban sa trafficking sa harap ng DOJ.

Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, bagama’t laging bukas ang Pilipinas sa pagtanggap ng mga dayuhan, kailanman ay hindi magiging kuta ang bansa sa mga dayuhang kriminal.

Tiniyak din ng kalihim na poprotektahan ng estado ang mga mamamayan laban sa mga ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *