DOJ: Pagkansela sa passport ni ex-cong, Teves – ‘di pa pinal

Hindi pa pinal at executor ang utos ng Korte na kanselahin ang passport ni dating congressman Arnolfo Teves Jr.

Ayon kay Justice Assistance Sec. Mico Clavano may 12 araw pa ang kampo ni Teves na maghain ng motion for reconsideration.

Sa kabila nito, sinabi rin ni Clavano na agad na kokontrahin ng DOJ ang magiging apela ni Teves.

Naniniwala ang DOJ na ang pagkansela sa passport ni Teves ay magiging daan para bumalik ang dating Kongresista sa Pilipinas.

Huling namataan si Teves sa Timor Leste noong nakaraang taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *