DOJ Spokesperson, bumisita sa NBP sa Muntinlupa City

Personal na sinilip ni Department of Justice Spokesperson Asec. Mico Clavano ang sitwasyon ng mga PDL sa maximum security compound ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa.

Umabot 30K ang mga PDL sa Bilibid na ang kapasidad ay para lamang sa 6K na mga PDLs.

Ayon kay Clavano, umaasa ang ahensya sa Jail Decongestion Summit na matutugunan pa ang problema ng siksikan sa mga kulungan at pagbibigay ng dignidad sa mga nakakulong sa bansa.

Ang pagpupulong ay dadaluhan ng Korte Suprema, DOJ at Department of the Interior and Local Government (DILG) na magsisimula na bukas.

Pagtitiyak ni Clavano, sinusuring mabuti ang record ng PDL bago pinapalaya o inirerekomenda para sa parole.

Sa kabilang dako, buo na ang bagong NBP hospital pero hindi pa nagagamit dahil hindi pa ito naitu-turnover sa Bureau of Corrections (BuCor).

Aminado ang BuCor na may batayan na tawaging Worst Mega Prison sa buong mundo ang Bilibid.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *