DOLE 12 naglaan ng P 47 million para sa SPES ngayong taon

KORONADAL CITY- MAKIKINABANG sa P 46.8 million na pondo ng Department of Labor and Employment o DOLE region 12 para sa implementasyon ng Special Program for Employment of Students o SPES ngayong taon ang 10,755 na mga estudyante at out of school youth (OSY).

Ayon kay DOLE 12 Information Officer Christopher Gamboa na ito ang 40% na counterpart ng DOLE para sa sweldo ng mga SPES beneficiaries kung saan ang 60% ay manggagaling naman sa local government unit o mga partner private companies.

May pinakamalaking alokasyon ang North Cotabato Field Office na umabot sa P 22.7 million para sa 6,053 na mga benepisyaryo. Ito ay sinusundan ng South Cotabato Field Office na may P 9.9 million na pondo para sa 2,425 beneficiaries, General Santos City Field Office P 9.9 million para sa 1,189 beneficiaries, Saranggani na may P 2.6 million para sa 686 na benepisyaryo at Sultan Kudarat na may P 1.6 million para sa 422 SPES beneficiaries.

Ang SPES ay isang programa ng DOLE katuwang ang mga LGU at mga pribadong kompanya na may layuning magbigay ng temporaryong trabaho sa mga mahihirap ngunit deserving na mga estudyante upang magkaroon ang mga ito ng sweldo na magagamit sa pagpapatuloy ng kanilang pag-aaral.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *