DOLE-12, patatayuan na ng sariling gusali

KORONADAL CITY – PERSONAL na dinaluhan ni Secretary Bienvenido Laguesma ng Department of Labor and Employment o DOLE kaupod si undersecretary Atty. Benedicto Ernesto Bitonio ang Groundbreaking Ceremony at Unveiling ng bagong DOLE XII Regional Building sa Regional Government Center, Barangay Carpenter Hill, Koronadal City.

Ayon kay City Mayor Eliordo Ogena, matapos ang ilang taon na paghihintay, ito ay itatayo na. Target umano ni Ogena na maging self-reliance, self-convenient community.

Dagdag pa ng opisyal na lagyan ito ng mga streetlight upang maging maliwanag ito sa susunod na mga panahon.

Pinasalamatan naman ni DOLE XII Regional Director Joel M. Gonzales ang lokal na gobyerno ng Koronadal sa pagbibigay ng lupa upang mapatayuan ng bagong opsina ng nasabing ahensya. Dumalo naman sa nasabing programa sina Atty. Felipe M. Egargo, Jr., DOLE Asst. Regional Director Arlene R. Bisbon, Department of Public Works and Highways XII Regional Director, at DBM XII Regional Director Akmad J. Usman at ilan pang mga partner agencies.

Ang naturang 2-storey building na itatayo ay may pondong P60-million.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *