DOLE at DILG, tiwalang makalilikha ng mas maraming trabaho sa ilalim ng economic Cha-cha

Naniniwala ang Department of Labor and Employment (DOLE) at ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na ang pagluluwag ng economic restrictions sa 1987 Constitution ay mahalaga sa pag-asenso ng bansa.

Ito ay matapos aprubahan sa ikalawang pagbasa sa Kamara ang Resolution of Both Houses No. 2 na layong amiyendahan ang Saligang Batas at bigyan ng kapangyarihan ang Kongreso na bawiin ang constitutional limits sa foreign investments.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, tiyak na mas maraming trabaho at oportunidad ang malilikha kapag isinulog ang economic Charter Change o Cha-cha.

Aniya, ang Pilipinas ay nakatali sa foreign direct investments at isa sa mga bansa sa buong Asya na may mahigpit na investment rules na bunga ng mahigpit na economic provisions ng Konstitusyon.

Mababatid na maraming kumpanya ang pansamantalang nagsuspinde ng kani-kanilang operasyon o tuluyang nagsara dahil sa kinakaharap na health crisis.

Para naman kay DILG Spokesperson Jonathan Malaya, napapanahon na ang economic reforms ngayong nagpapatuloy ang pandemya.

Samantala, ang House resolution ay natakdang sumailalim sa ikatlo at huling pagbasa sa May 31 sa plenaryo ng Kamara. // CLAY MARQUEZ

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *