DOLE – inumpisahan na ang mga konsultasyon at mga pagdinig para sa dagdag-sahod

Binigyang-diin ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Bienvenido Laguesma na otomatiko ang proseso sa wage hike kada-taon.

Kaugnay nito, kasado na ang serye ng public hearing at konsultasyon ng Regional Tripartite Wages and Productivity Boards (RTWPBs) para rito.

Ayon kay Laguesma, 9 mula sa 16 na wage boards ang kusa nang umaksyon upang itaas ang sahod ng mga manggagawa.

Mababatid na ipinanawagan na rin ni Pangulong Bongbong Marcos na repasuhin na ang umiiral na minimum wage order sa Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *