DOLE, pabor na magbakuna ng single-shot COVID-19 vaccine sa OFWs

Pinag-aaralan ng gobyerno ang posibilidad ng pagbibigay sa mga oversea Filipino workers ng single-shot COVID-19 vaccine gaya ng idinevelop ng Johnson & Johnson.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, iminungkahi ito ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez, na kanyang sinuportahan lalo na para sa mga seafarers.

Aniya sa paraang ito, mabilis na maide-deploy ang mga OFWs sa ibang bansa at di na dadaan sa COVID-19 tests o quarantine. 

Mababatid na ang bakuna ng Johnson & Johnson ay isang single-shot jab di gaya ng ibang brands na dalawang beses kang dapat magpaturok. 

Mayroon na itong emergency use authorization mula sa Food and Drug Administration (FDA) ng Pilipinas.

Nagpa-reserve na ang Pilipinas ng anim na milyong doses ng single-shot Johnson & Johnson vaccine pero walang pinal na petsa para sa delivery ng mga ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *