National

DOLE, tutol na i-require ang police clearance para sa transactions

Tutol si Labor Secretary Silvestre Bello III sa hiling ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Debold Sinas na i-require ang police clearance para sa iba’t-ibang labor-related transactions.

Sa sulat ni Bello kay Sinas, sinabi nitong ang mungkahing karagdagang requirement ay lalo lang makakasama sa halip na makabuti.

Ayon sa kalihim, 94 percent ng mga employers at workers ay hindi pabor na gawing requirement ang police clearance para sa mga DOLE transactions, batay sa survey na isinagawa sa mga stakeholders.

Paliwanag pa nito, ito ay isang uri ng red tape para sa lahat at karagdagang financial burden para sa nakararami.

Maliban dito, hindi rin umano ito tugma sa polisiya ni Pangulong Rodrigo Duterte alinsunod sa Republic Act No. 11032, o ang Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018, at Executive Order No. 129. // MHEL PACIA

BNFM National

Recent Posts

Sandy Cays na bahagi ng Pag-asa island sa WPS, nasa ‘degraded state’ na

Nasa degraded state ang Cay 1, Cay 2 at Cay 3 na bahagi Pag-asa Island…

19 hours ago

RTWPB – inumpisahan na ang pagre-review sa mga sahod

Nagsimula na ang review ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa mga sahod ng…

19 hours ago

Championship games sa Palarong Bicol 2024 – nauwi sa rambulan

NAUWI sa rambulan ang Men's Division Championship-football games sa pagitan ng Masbate City Team at…

20 hours ago

Inaasahang rollback sa susunod na linggo – nadagdagan pa ng hanggang sa humigit-kumulang isang piso

Nadagdagan pa ang halaga ng inaasahang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod…

20 hours ago

PNP, muling dinepensahan ang pag-aresto sa ‘Mayo Uno 6’

Dinepensahan ng Philippine National Police (PNP) ang pag-aresto sa 'Mayo Uno 6' sa gitna ng…

20 hours ago

Defense chiefs ng PH, Japan, US, at Australia – kinundena ang harassment ng China sa WPS

Naghayag ng pangkabahala ang mga Defense chiefs ng bansang Pilipinas, Japan, Estados Unidos at Australia…

20 hours ago