Domestic, wild birds at poultry products mulang CamSur at iba pang lugar “ban” sa Albay

LEGAZPI-Nagpalabas na ng executive order ang provincial government of Albay tungkol sa pansamantalang pagbabawal sa pagpasok ng domestic, wild birds at poultry products sa lalawigan dahil sa banta ng flu influenza.

Nakapaloob sa Executive Order no.08, inaprubahan ng PGA ang panawagan rin ng Provincial Veterenary Office na pagbawalan muna ang mga lalawigan tulad ng Camarines Sur, Pampanga, Bulacan, at Laguna.

Agad naman na nagpalabas ng disease control protocols ang Regional Quick Response Team for Animal Disease and Emergencies.

Naglagay rin ng boarder control sa Albay-Camarines Sur sa bayan ng Polangui, Tiwi-Camarines Sur at Libon-Camarines Sur na papangunahan ng PNP at concerned agencies.

Samantalang ang mga sasakyan naman na papasok sa mga border ang kailangan na magpresenta ng disinfection certificates na pinalabas ng BAI Veterenary quarantine Services.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *