Donald Trump, tinanggihang i-endorso ang national abortion ban sa Amerika

Tinanggihan ni dating US President Donald Trump na i-endorso ang national abortion ban bilang isa sa mga plataporma niya sa pagkapangulo.

Naniniwala kasi si Trump na dapat ipaubaya na lang ang desisyon sa pagbabawal ng aborsyon sa estado.

Bagama’t ipinagmamalaki niyang ang pinaka-pro-life president sa kasaysayan ng Amerika, paulit-ulit din niyang pinuna ang mga kapwa Republicans sa pagiging masyadong matigas ang ulo sa isyu.

Umani ito ng agarang pagkondena mula sa SBA Pro-Life America, isa sa mga pinakakilalang grupo ng bansa na tutol sa mga karapatan sa pagpapalaglag.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *