Donald Trump, wagi sa unang 2024 Republican presidential contest sa Iowa

Nagtagumpay si Donald Trump sa unang 2024 Republican presidential contest sa Iowa sa kabila ng litanya ng mga ligal na problema.

Pumangalawa naman ang Gobernador ng Florida na si Ron DeSantis, na pinalitan ang dating UN Ambassador na si Nikki Haley.

Sa halos 90% ng inaasahang boto na naitala, nakakuha si Trump ng 50.9%, habang si DeSantis ay nasa 21.4% at Haley sa 19.0%

Matatandaang ang pinakamalaking margin ng tagumpay para sa Iowa Republican caucus ay 12.8 percentage points, na nakuha ni Bob Dole noong 1988.

Pinasalamatan namana ni Trump ang kanyang supporters sa kanyang social media platform na “Truth Social” at sinabing “I love you all!”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *