Donita Rose, itinuturing na answered prayer ang kanyang asawa

Itinuturing na answered prayer ng aktres at TV host na si Donita Rose ang kanyang asawa ni si Felson Palad.

Maaalalang noong 2016, unang kinasal si Donita kay Eric Villarama pero dumaan sila sa pagsubok at humantong sa hiwalayan.

Ayon sa aktres, hindi raw siya nawalan ng pag-asang humiling sa Diyos ng bagong iibigin matapos ang dagok na pinagdaanan nito.

Para hindi aniya siya magkamali, idinetalye pa ni Donita sa kanyang prayers ang mga katangian ng lalaking gusto nitong mahalin.

Ito ang ilan sa mga check list ni Donita – una worship leader, sunod dapat guwapo, matangkad, tatayong breadwinner at dapat rin daw nakakatawa.

Pasok na pasok naman si Felson sa checklist ng aktres dahil siya’y isang worship leader sa isang simbahan sa Los Angeles, California.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *