DOST region 2, ipinasakamay ang mga RXBOX telemedicine devices sa mga piling RHU sa Quirino Province

Ipinasakamay na ng Department of Science and Technology Region 2 ang RxBox telemedicine devices sa mga napiling Rural Health Unit sa probinsya ng Quirino matapos ang isinagawang Super User training part 2 sa Quirino State University-Diffun, Gymnasium.

Ayon sa DOST Region 2, ang mga napiling RHU ay kinabibilangan ng RHU Aglipay, Cabarroguis, Maddela at Nagtipunan, Quirino.

Pinangunahan nina DOST Quirino PD Rocela Angelica Gorospe, RxBox Regional Training Coordinator at Project Assistant Marchel Acilador at Jenny-Rose Masocol ang nasabing turn-over sa mga RHU representatives pagkatapos ng isinagawang pagsasanay.

Kaugnay dito, dinaluhan ng 12 participants mula sa apat na nabanggit na RHU ang RXBox Super User Training Part 2 kung saan nagkaroon ng ebalwasyon sa mga ito upang matiyak na naintindihan nila kung paano gamitin ang RxBox devices.

Isinalaysay naman ni RHU Cabarroguis Nurse Maureen Rivera ang tulong ng RxBox sa mga pasyente kabilang na ang hindi pagpunta pa ng mga ito sa mga hospital para magpatest ng ECG at makatutulong din umano ito sa monitoring ng mga pregnant women sa kanilang birthing facility.

Samantala, mabibiyan din ng kaparehong device ang RHU Diffun, Quirino sa oras na dumating na ang Batch 2 ng RxBox devices sa Regional office mula sa manufacturer nito.

Magugunita na ang Rxbox telemedicine device ay isang battery operated device na isinusuot sa pasyente upang mamonitor ang vital signs nito kung saan kasamang natutukoy ang body temperature, blood pressure, pulse at oxygen maging sa electrocardiogram (ECG) at maaari din ma-detect kung ang isang babae ay nagdadalang-tao.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *