DOTr at US, nagkasundo sa feasibility study ng Vessel Traffic Management System

Lumagda sa kasunduan sina transportation secretary Jaime Baustista at US Ambassador to the Philippines Marykay Carlson, hinggil sa pagbibigay ng grant sa pagpili ng consultant na magsasagawa ng feasibility study patungkol sa Vessel Traffic Management System o VTMS.

Inaasahang tutugunan ng VTMS ang mga isyu sa maritime safety issues sa pamamagitan ng pagpapataas ng kamalayan at coordination sa maritime traffic sa mga major waterways at ports sa bansa.

Ayon kay DOTr Secretary Bautista, mahalaga ang VTMS hindi lang sa pamamahala ng sea traffic kundi pati na rin ang pagbibigay ng advanced communication redundancy sa Philippine Coast Guard, para mapalakas ang kanilang maritime capabilities.

Magagamit din anya itong counter-measure sa mga napaulat na insidente ng signal jamming sa loob ng ating exclusive economic zone.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *