DOTr chief, suportado ang pag-privatize sa busway system

Suportado ng Department of Transportation ang pag-privatized sa busway system sa bansa, dahil ito umano ay magpapaganda sa efficiency at operasyon ng transportation system.

Ginawa ni Transportation Secretary Jaime Bautista ang pahayag sa sidelines ng pag-unveil ng bagong busway station sa Ayala na makakabenepisyo ang mga pasahero papunta sa south.

Ayon kay Bautista, mayroong mahigit 300,000 commuters araw-araw sa Makati.

Maliban sa mga bus, magagamit din ng mga UV express drivers ang bagong station sa pagbaba at pagsakay ng kanilang mga pasahero, dahil nakakonekta ito sa MRT-3.

Dahil sa planong interconnectivity ng bus, UV, at railway systems sa Metro Manila, umaasa ang DoTr na ang may mga sariling sasakyan ay pipiliin nang sumakay sa mass transportation. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *