DOTr: Evaluation kaugnay sa maritime compliance ng PH sa EU standards, ongoing

Nagpapatuloy umano ngayon ang evaluation para sa compliance ng Pilipinas sa standards na itinakda ng European Maritime Safety Agency (EMSA).

Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista, nakausap na nila ang European Maritime Safety Agency at sinabing, sinusuri na ang tugon ng gobyerno ng Pilipinas, hinggil sa naturang usapin.

Dagdag ni Bautista, na ang tugon ng gobyerno na isinumite noong March 2022 sa panahon ng Duterte administration, ay naglalaman ng mga plano at programa para matugunan ang isyu na inilahad ng EMSA.

Tinitiyak naman ng DOTr, na handang ipatupad ng kasalukuyang administrasyon ang naturang mga action plans.

Matatandaan na noong Oktubre, nagbabala si Foreign Affairs Undersecretary Eduardo de Vega na nasa 50,000 Filipino seafarers na kasalukuyang nakadeploy sa European Union (EU) ay nanganganib na mawalan ng kanilang trabaho, kung mabibigo ang  bansa na magcomply sa standards ng EMSA.

Batay kasi sa EMSA na alinsunod sa kanilang 2020 audit nadiskubre ang 13 shortcomings at 23 na mga reklamo na kinabibilangan ng kakulangan sa training equipment at inconsistencies sa pagtuturo at assessment. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *