DOTr, LTO, humiling sa Korte na i-dismiss ang mga petisyon laban sa PUVM Program

Nanindigan ang Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na “valid at reasonable” ang public utility vehicle (PUV) modernization program, gayundin ang franchise consolidation.

Ito’y matapos hilingin ng ahensya sa Korte Suprema na i-dismiss ang inihaing petisyon na naglalayong hadlangan ang programa.

Maalalang inihain ng PISTON ang petisyon na humihiling sa SC ng temporary restraining order (TRO) upang ideklara ng Korte na walang bisa ang kautusang nag-formalize sa modernization plan.

Ngunit ikinatuwiran ng DOTr at LTFRB na hindi natugunan ng mga petitioner ang minimum legal requisites para sa hinihinging TRO o utos ng korte.

Naghain ng motion of intervention naman ng ang mga transport group na sumusuporta sa PUV modernization plan na hahadlang sa TRO plea ng PISTON laban sa programa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *