DOTr, makikipagtulungan sa PNP sa insidenteng sangkot ang isang pulis sa busway

Makikipag-usap ang Department of Transportation (DOTr) sa Philippine National Police (PNP) matapos ang nangyaring aksidente na sangkot ang isang pulis sa EDSA busway.

Ayon kay DOTr Command at Control Operations Center Chief Charlie del Rosario, irerekomenda nila kay PNP Chief Benjamin Acorda Jr. na ipaalala sa mga kapulisan ang regulasyon sa bus lane.

Sa inilabas na bidyo ng ahensya, makikitang binabagtas ng bus ang busway sa Edsa Santolan Southbound nang biglang pumasok ang police mobile.

Nagresulta ito para ikabig ng bus driver ang manibela hanggang sa sumalpok sa railings ng MRT.

Dahil dito, sugatan ang sakay na limang pasahero ng bus.

Sa ngayon, inalis na sa puwesto ang pulis na nagmaneho ng police mobile at posibleng maharap sa kasong administratibo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *