DOTr Sec. Bautista, pag-aaralan ang sinampang kaso ng MANIBELA sa Ombudsman

Pag-aaralan nina Transportation Secretary Jaime Bautista ang mga alegasyon ng grupong Manibela kaugnay sa isinampang kaso laban sa kanilang mga transport officials sa Ombudsman.

Sa pahayag na inilabas ni Secretary Bautista, wala pa silang opisyal na natatanggap na anumang complaint-affidavit.

Hindi pa rin sila umano nakakatanggap ng anumang subpoena o utos mula sa ombudsman na isumite ang kanilang counter-affidavit.

Tinitiyak naman nila sa publiko na sa pagpapatupad ng PUV Modernization Program ay sinisikap ng DOTr at ng mga katuwang na ahensya nito na mahigpit na sumunod sa mga kaukulang probisyon ng 1987 constitutions.

Matatandaang sinampahan ng patung-pato na reklamo ng grupong MANIBELA si Bautista at iba pang transport officials kaninang umaga dahil sa anila’y paglabag ng mga ito sa kanilang karapatan kaugnay ng PUV modernization program ng gobyerno.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *