DOTr, tiniyak na magkakaroon pa rin ng pampublikong transportasyon oras na ipatupad ang ECQ sa NCR

Tiniyak ng Department of Transportation na mananatili ang suplay at kapasidad ng mga pampublikong transportasyon sa gitna ng implementasyon ng ehnaced community quarantine sa Metro Manila, na magsisimula sa Biyernes.

Gayunman, sinabi ni DOTr Secretary Arthur Tugade na tanging ang mga authorized persons outside of residence (APOR) lamang ang papayagang makasakay habang ipinatutupad ang mas istriktong health protocols.

Ipinunto ni Tugade na aprubado na ito ng pandemic task force ng gobyerno.

Ipinaalala naman ng kalihim sa mga APORs na kailangan ng mga ito na magprisenta sa transport marshals ng identification cards na inisyu ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases o ng iba pang mga dokumento o IDs bilang pruweba na otorisado silang bumyahe.

Mababatid na ipatutupad ang panibagong round ng ECQ sa buong National Capital Region simula August 6-20 upang malimitahan ang pagkalat ng mas nakakahawang COVID-19 Delta variant.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *