DOTr – tiniyak na sapat ang bilang ng mga jeepneys kasabay ng transportation crisis

Siniguro ng Department of Transportation (DOTr) na mayroong mga hakbang ang LTFRB para masigurong ‘di mapipilay ang public transportation sa January 1, 2024.

Kung maaalala kasi – hindi na na-extend pa ang deadline para sa franchise consolidation sa December 31, 2023, pero mayroon pa ring nasa mahigit-kumulang 31,000 ang mga unconsolidated jeepneys.

Ayon sa DOTr, mayroong sapat na supply ng mga jeepneys pagtuntong ng 2024.

Anila, ‘di raw nila pababayaan ang mga komyuters at marami pa ring mga naghahabol na transport groups para magpa-consolidate.

Tuluy-tuloy din anila ang pag-assist ng mga LGUs sa LTFRB para sa mga lokal na ruta.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *