Downtrend inflation ngayong buwan, inaasahan ng BSP

Umaasa ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na magpapatuloy ang downtrend ng inflation ngayong buwan sa harap ng mas mababang presyo ng langis, pagkain, at utility prices.

Sa pagtataya ng BSP, nakikita nilang maglalaro sa 5.8% hanggang 6.6% ang range ng inflation o yung rate ng pagtaas  ng presyo ng mga goods at services.

Ang upper end ng forecast ng central bank ay kaparehong lebel ng 6.6% inflation noong Abril.

Paliwanag ng BSP, ang cumulative rollback sa domestic petroleum, pati na rin ang mababang presyo ng poultry, isda, at electricity rate sa ilang mga power distributors ang may dahilan kung bakit posibleng bumaba ang inflation ngayong buwan ng Mayo. //SM, edited MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *