DPWH, handa na sa pagdagsa ng mga biyaherong papasok at palabas ng Bicol Region

NAGA CITY- Handa na ang Department of Public Works and Highways o DPWH sa pagdagsa ng mga biyaherong papasok ng Camarines Sur at Bicol Region  ngayong long weekend, Barangay at Sanguniang Kabataan Elections pati Undas.

Ito ang sinabi sa Brigada News FM Naga ni Katrina Oropesa, tagapagsalita ng DWPH District 1 na silang nakakasakop sa unang distrito ng lalawigan. Ayon kay Oropera , mayroon silang Lakbay Alalay , iaabisuhan din ang mag contractor ng mga patrabaho sa kalsda na kung mya mga hindi pa tapos siguraduhing mayroong kaukulang warning signs upang maiwasan ang disgrasya at pagkaantala ng biyahe. Ayaw na rin aniya nila na maulit ang traffic dati sa Ragay na inabot ng tatlong oras.

Samantala kahapon ibinandera na ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council ang Blue Alert Status, ayon kay Oropera handa silang sumunod sa mga ibababang guidelines ng PDRRMC hanggang sa pagdagsa rin ng mga pauwi o palabas ng Bicol region matapos ang Undas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *