DPWH makikipag diyalogo ngayong araw sa mga maapektuhan ng road widening project sa Basud to Lanot Road

CAMARINES NORTE- Makikipagpulong ngayong araw ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa mga residenteng maapektuhan ng gagawing road widening project sa Basud to Lanot Road.

Gagawin ito sa Covered Court ng Barangay Colasi, Mercedes, Camarines Norte alas 8 ngayong umaga.

Batay sa sulat ni OIC District Engineer Guilbert Romero sa concerned local officials, layon ng diyalogo na maipaalam sa Project Affected Person (PAPS) ang tungkol sa right of way acquisition alinsunod sa itinatadhana ng DPWH ROW Acquisition Manual.

Maliban sa mga maapektuhan ng road widening, inimbitahan pagpupulong at diayalogo ang mga kinatawan ng Barangay Council ng Hamorawon, Lalawigan, Lanot at Tarum gayundin ang LGU at Provincial Government.

Dadalo rin dito ang kinatawan mula sa DPWH Region V Legal Division.

Humingi ng tulong ang ahensiya sa concerned Barangay Officials para maimbitahan ang mga apektadong residente partikular ang mga kabilang sa PAPs list.

Una nang nag anunsiyo sa pamamagitan ng post sa facebook si Punong Barangay Joel Aragona ng Colasi na iniimbitahan ang mga apektadong residente sa kaniyang nasasakupan.

Ayon sa opisyal importanteng makadalo lalo na ang mga nasa tabing kalsada ang bahay na dadaanan ng proyekto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *