DPWH, makikipagtulungan sa imbistigasyon tungkol sa pagkamatay ng isang matanda sa Bgy. New Cabalan, Olongapo

Tiniyak ng Department of Public Works and Highways na makikipagtulungan sa mga pulis para tukuyin kung kaninong pananagutan ang pagkamatay ng isang matanda sa Olongapo.

Ito ay makaraang lumabas sa inisyal na imbistigasyon na ang biktima ay posibleng nahulog sa malaking butas sa bahagi ng kalsada na walang ilaw at wala ring mga warning device.

Matatandaan, Miyerkules ng umaga ng makita ng mga residente ang bangkay ng 60-anyos na biktima na nasa isang kanal na kadugtog ng malaking butas na nasa gilid ng kalsada.

Ayon kay Engr.Sammy Bilog ng DPWH, aalamin ng opisina kung bakit ganoon ang sitwasyon ng kalsada at tiniyak na aakuin ang responsibilidad sakaling DPWH nga ang may pagkukulang.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO

May be an image of fruit and text

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *