DPWH nagsagawa ng actual site survey sa gagawing Pambuhan Bridge

CAMARINES NORTE – Nagsagawa na ng actual site survey ang Department of Public Works and Highways (DPWH) nitong Lunes sa proposed Pambuhan Bridge sa Barangay Pambuhan, Mercedes, Camarines Norte na inaasahang masisimulan ngayong Enero.

Ang proyekto ay nagkakahalaga ng P35 million na permanenteng solusyon sa problema ng mga residente sa lugar at karatig barangay sa tuwing may matinding pagbaha at pagragasa ng tubig  kapag umuulan.

Hindi kasi madaanan ng mga tao at sasakyan ang spillway sa tuwing umaapaw ang ilog na matagal nang problema hindi lang ng mga taga Pambuhan kundi ng mga taga Tarum, Colasi, Hamoraon, Lalawigan at Lanot .

Kamakailan lang ay tatlong estudyante ang muntik nang anurin ng rumaragasang  tubig ng subukan ng mga itong  tumawid sa spillway gitna ng malakas na pag ulan.

Ang proposed Pambuhan Bridge ay nai- bid at nai- award na sa winning bidder noong December 19, 2023.

Maliban sa gagawing tulay sa Barangay Pambuhan,  tuloy- tuloy din ang concreting ng Basud- Lanot Road.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *