Driver enhancement training para sa mga tauhan ng PNP Bicol, inilunsad

LEGAZPI CITY —Pormal na binuksan nito ang “PRODRIVE: Driver Enhancement Training” na dinaluhan ng labinlimang personahe (15) mula sa Logistical Direct Support Unit-Regional Logistics and Research and Development Division (RLRDD) at ng iba pa mula sa istasyon ng kapulisan sa rehiyong Bicol.

Pinangunahan ni PBGEN JONNEL C ESTOMO, ang Regional Director ng PRO5 paglunsad ng nasabing programa.

Ang programang ito ay isang inisyatibo ng Regional Logistics and Research and Development Division (RLRDD) sa pamumuno ni POLICE COLONEL LIANE M VAN DE VELDE at sa pakikipagtulungan na rin sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa pangunguna ni MS. ALECIA L BUETRE, CENTER ADMINISTRATION, TESDA.

Ang pangunahing layunin ng programang ito ay upang mas lalong pang maitaas ang antas ng mga kaalaman at alituntunin ng responsableng pagmamaneho.

Ang mga nakatalagang tauhan ng PNP Bicol bilang driver sa kanilang mga himpilan ay may mahalagang papel na ginagampanan sa pagsasakatuparan ng kanilang sinumpaang tungkulin mapa operasyon man o kaya’y administratibo.

Sila rin ang nagsisilbing daan at tulay papunta sa mga lugar kung saan naroroon ang mga kababayan na nangangailangan ng higit na tulong.

Kaya naman ganun na lamang ang pagbibigay halaga ng unit na ito na mas palawakin pa ang kakayahan at kasanayan ng mga ito sa pamamagitan ng nabanggit na training.

Pinasalamatan ni RD, ESTOMO ang inisyatibo ng Regional Logistics and Research and Development Division (RLRDD), ang mga nabanggit na opisyal upang ganap na maisakatuparan ang programang ito na siyang magbibigay ng mataas na antas sa larangan ng responsableng pagmamaneho sa mga kapulisan sa Bicol.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *