Drug den, nabuwag; 4, arestado sa Marawi City

ARESTADO ang apat na mga drug personalities habang isa ang nakatakas kasunod ng ikinasang buy-bust operation ng PDEA BARMM na nagresulta sa pagkakabuwag ng ng isang drug- den sa Lungsod ng Marawi, Lanao Del Sur.

Ang mga naaresto ay kinilalang sina ANE -AI AMER DUMAMBA alyas KLING, 41 anyos, drug den operator, COSAIN ARUMPAC JAMIL alyas PAPANG, 41, YASSER NAGA AMPUAN, alyas PEROT, 21 anyos at JAMALODEN MAYDAN AMPUAN alyas DIYAN na pawang mga residente ng lugar.

Nakuha ng mga operatiba sa pag-iingat ng mga suspek ang Labing apat na pakete na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu na tumitimbang ng Labing Limang gramo na may estimated national average price na P102, 000.00, mga drug paraphernalias at kasamang nabawi ang buybust money.

Naging matagumpay ang operasyon sa pangunguna ng PDEA Lanao Del Sur sa pakikipagtulungan ng PDEA regional office Basilan, PDEA RSET at ang kasundaluhan ng 500CEB, 55th Engineer Mobilizer Brigade, Philippine Army.

Himas rehas na ngayon ang apat na mga drug suspek na parehong mahaharap sa ksanong paglabag sa RA9165 magin ang isang nagngangalang MIKE na nagawang takasan ang mga operatiba.(BNFM COTABATO)
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *