Drug Den sa Calabanga Sinalakay ng mga awtoridad, apat arestado

Camarines Sur – Timbog ang apat na indibidwal sa Calabanga, Camarines Sur, makaraang salakayin ng mga awtoridad sa pangunguna ng Philippine Drug Enforcement Agency sa probinsya kasama ang PDEA Naga at Calabanga Municipal Police Station sa Barangay Sabang, Enero 30, 2024.

Sa panayam ng BNFM NAGA kay PDEA Camarines Sur Director Mark Anthony Viray sinabing noong nakaraang taon pa nila minomonitor ang mga nahuling suspek, at patuloy ang kanilang surveillance sa kalapit na lugar para sa mga gumagamit ng  pinagbabawal na droga.

Narekober sa operasyon ang 15 grams illegal drugs na nagkakahalagang Php 102, 000.00 kasama ang mga drug paraphernalias.

Kasong paglabag sa seksyon 5, 6, 7, 11, 12 at 15 ng article II sa ilalim ng RA 9165, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at walang rekomendadong piyansa para sa kanilang pansamantalang kalayaan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *