Drug den sa Sorsogon City nabuwag; tatlo arestado

Matagumpay na operasyon kontra iligal na droga ang isinagawa ng PDEA-Sorsogon katuwang ang PDEU-Sorsogon na nagresulta sa pagkabuwag ng isang drug den sa Sitio San Lorenzo, Brgy Bibincahan, East District, Sorsogon City.

Mahigit sa 70K ang nasamsam at tatlo katao ang arestado.

Kinilala ang mga ito na sina Julio Ducay Atutubo, 49-anyos, may asawa at sinasabing maintainer ng drug den.

Nadakip din ang dalawang drug den visitors na sina Medito Balili Patilano alias Medy, 52-anyos, binataa, vendor at residente ng Macabaog Springville, Macabog at Erwin Discarga matabuwna, 42-anyos, may asawa at residente ng Brgy Sampaloc, Sorsogon City.

Nakumpiska sa operasyon ang 7 pakete ng hinihinalang shabu na may street value na P71, 150 at iba pang drug paraphernalia.

Una rito, nagsagawa ng buy-bust operations ang mga operatiba na nagresulta sa pagkasamsam ng mahigit- kumulang .04 grams na hinihinalang shabu na may street value na P2, 750.00.

Narekober pa ‘in plain view’ ang 6 na pirasong pakete ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng mahigit-kumulang 10 gramos na may street value ng P68, 400.00.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong may kinalaman sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Kung babalikan, noong buwan ng Marso ay nabuwag din ng PDEA-Sorsogon ang drug den sa Brgy Piot, West District, Sorsogon City kung saan apat dito ang naaresto at nasamsam ng mga awtoridad ang 10 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P68K.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *