‘Drug-free Philippines’ target ng PNP sa ilalim ng Marcos Administration

Pursigido ang Philipine National Police (PNP) na makamit ang ‘drug-free Philippines’ sa ilalim ng Marcos Administration.

Ayon kay PNP Deputy Chief for Administration, Lt. Gen. Rhodel Sermonia ito ang dahilan kung bakit inilunsad ang BIDA Program.

Paliwanag ni Sermonia, sa naturang programa mas pina-igting nila at mas agresibo ang isasagawang campaign awareness program kontra illegal drugs upang mabawasan ang demand nito.

Magkakaroon din ng mas mahigpit na koordinasyon hindi lang sa iba’t-ibang government agencies kundi pati na rin sa mga komunidad.

Sa usapin naman ng pagbawas sa supply, patuloy umano ang ginagawa ng kapulisan sa paghabol sa mga drug supplier at paghuli sa mga malalaking drug lord upang tuluyan nang maputol ang paglaganap nito bansa.

Iginiit naman ni Sermonia na hindi nila masabi kung kailan matutupad ang ‘drug-free Philippines’ subalit nais umano nilang mangyari ito sa lalong madaling panahon.
#

RELATED STORY:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *