Dry run ng ‘one RFID, one wallet interoperability’ – umarangkada na

Umarangkada na ngayong araw ang kauna-unahang dryrun o yung testing ng “One RFID, one wallet interoperability” project.

Ayon kay Toll Regulatory Board Spokesperson Julius Corpuz, target nila ang full implemetation ng naturang programa pagsapit ng July.

Paliwanag ni Corpuz, imbis na may RFID para sa AutoSweep at isang RFID para sa EasyTrip, isang sticker at account na lang ang gagamitin upang hindi na masyado pang maguluhan.

Samantala sakaling gusto pa rin ng isang driver na i-maintain ang 2 stickers at 2 accounts, wala namang problema aniya rito.

Sa kasalukuyan, sinusubukan daw muna nila ang hakbang na ito para matiyak na hindi magkakaaberya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *