DSWD acting secretary Erwin Tulfo, tiniyak na tuoy pa rin ang trabaho

Tiniyak ni Social Welfare Secretary Erwin Tulfo na magpapatuloy pa rin ang kanyang trabaho sa tanggapan hanggat wala pang pinal na desisyon ang Commission on Appointments.

Kahapon, matatandaaang na-defer ang kanyang confirmation matapos maungkat ang ilang mga isyu kabilang na ang kanyang US Citizenship, at ang apat na conviction para sa libel cases.

Sa Kapihan sa Manila Bay Forum, sinabi ng Kalihim na nakatanggap na umano siya ng text message mula kay Pangulong Bongbong Marcos.

Sa ilalim nito, pinatitiyak aniya ng Pangulo na hindi nito iiwanan ang kanyang responsibilidad sa DSWD, hanggat hindi pa siya tuluyang bina-bypass, ‘o naco-confirm ng makapangyarihang Commission on Appointments.

Sa ngayon, di na muna siya magdaragdag pa ng mga kumento hingigl sa pagppaliban ng kanyang ad interim appointment hearing para hindi na makaapekto pa sa deliberasyon ng mga kongresista.
#

RELATED STORY:

Appointment ni Tulfo, na-defer dahil sa US Citizenship at libel conviction

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *