DSWD Bicol nakahandang tumulong sa mga magsisilikas na residente matapos ang pagsabog ng Mt. Bulusan sa Sorsosgon

LEGAZPI CITY- Nakahandang tumulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD)Bicol sa mga maapektohan na residente na magsisilikas sa kanilang tahanan matapos ang pagsabog kahapon ng umaga sa Mt.Bulusan sa Sorsogon.

Ayon kay Regional Director Leo Quintanilla ng nasabing tanggapan, aabot sa 25, 069 na family food packs na available na nakahanda sa mga warehouse ng DSWD ng Legazpi City, Catanduanes at Masbate.

Aniya, nasa P5M naman ang nakastandby na quick response fund na pwedeng gamitin para sa augment resources.

Naka close monitoring na rin ang mga tauhan ng ahensya at Local Government Unit (LGU)’s sa mga evacuation center upang tingnan ang kanilang kalagayan kung sila ay nasaayos na lugar.

Binigyan diin ng opisyal, na sasapat naman ang kanilang family food packs para sa distribusyon sa mga evacuation center na naapektohan na barangay o household matapos sumabog ang Mt. Bulusan sa Sorsogon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *