DSWD binisita ang ilang mga benepisyaryo ng SLP na naapektuhan ng pandemya

CAMARINES NORTE – Binisita ng mga kawani ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga natukoy na benepisyaryo na nabigyan ng Livelihood Assistance Grants ng nakaraang buwan sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program (SLP).

Ayon sa ahensiya, nag uumpisa ng sumibol sa lalawigan ng Camarines Norte ang mga mumunting negosyo na naapektuhan ng patuloy na nararanasang krisis dahil sa COVID- 19.

Hangad umano ng bawat benepisyaryo ang patuloy na pagsulong sa kanilang muling inumpisahang mga negosyo.

Kaya naman sa kasulukuyang krisis na pinagdadaanan patuloy pa rin umano ang pagbibigay ng SLP ng tulong.

Ang SLP ay isang programa ng DSWD na naglalayong mapalakas ang kapasidad ng mga kalahok para magkaroon ng matatag na kabuhayan.

Sa mga nagnanais na maging bahagi ng programa ay maaaring makipag-ugnayan sa mga nakatalagang Project Development Officer ng SLP sa inyong lugar upang ang pangarap na kabuhayan o trabaho ay sabay-sabay na maisakatuparan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *