DSWD handa sakaling gawing nationwide ang pagpapatupad ng granular lockdown

Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na handa ang ahensiya na magbigay ng ayuda sakaling palawigin ang implementasyon ng bagong alert level sa labas ng Metro Manila.

Ayon kay DSWD Assistant Secretary Glenda Relova, natantiya na nila ang mga food packs na posibleng kailangan halimbawang maging nationwide na ang implementasyon ng granular lockdown.

Patuloy umano silang nakikipag-ugnayan sa Department of Budget and Management para masigurong makakapaghanda ang pamahalaan para sa distribusyon ng relief packages sa buong bansa.

Sa ngayon sinabi ni Relova na may nakahanda silang mga food packs para sa mga LGUs ng Metro Manila na apektado ng granular lockdowns.

Nabatid na nasa mahigit 200 lugar ngayon sa NCR ang nasa ilalim ng granular lockdown simula ng ipatupad ang bagong alert system noong Setyembre 16.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *