DSWD, nag-aalok ng tulong pangkabuhayan at trabaho para sa mga pinakamahihirap na pamilya

Nag-aalok ng tulong ang Department of Social Welfare and Development para sa mga interesadong magbukas ng maliit na negosyo at mga gustong magtrabaho.

Ito ay ang Sustainable Livelihood Program para sa mga indibidwal at pinakamahihirap at kabilang sa marginalized families sa bansa.

Sa ilalim ng programa, bibigyan ng pagkakataon ang mga benipisyaryo na magnegosyo gamit ang maliit na puhunan mula sa DSWD o di kaya ay magtrabaho pagkatapos na tulungan sumalang sa libreng pagsasanay.

Ayon kay DSWD Region 3 Social Marketing Officer Sanne Ray Soro, prayoridad ng programa ang mga miyembro ng Pantawid Pamilya Pilipino Program at ang mga nakarehistro na sa Listahanan.

Ganunpaman, maaaring mapabilang sa mga benipisyaryo kapag nag-aplay sa mga Local Social Welfare and Development Office at pumasa sa assesment ng Dswd.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *