National

DSWD, naglunsad ng online mental, psychosocial assistance sa NCR, 2 regions

Naglunsad na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng online platform para matugunan ang mental health concerns at magbigay ng psychosocial assistance sa Metro Manila at dalawang iba pang rehiyon.

Ayon sa DSWD, inilunsad nila ang “Wireless Mental Health and Psychosocial Support for Individuals and Families Affected by COVID-19 and other Crisis Situations” o WiSUPPORT upang ang konsultasyon at counseling ay mas accessible sa mga tao na may pinagdadaanang mental o psychosocial issues sa panahon ngayong ng pandemya.

Dagdag ng ahensya, kinuha ng WiSUPPORT ang e-mailing services, web portals, DSWD’s website, telephone, at mobile applications sa mga pilot areas sa National Capital Region, Central Visayas, at Caraga Region.

Paliwanag ni Secretary Rolando Bautista, nabuo ang WiSUPPORT dahil sa laging pagkabahala at takot na mahawa ng COVID-19 at economic concerns para sa pamilya, mga mag-asawang may family conflicts at disasters sa gitna ng pandemic na nagdulot ng anxiety, mental, at emotional distress sa maraming tao.

Samantala, para sa mga gustong magpakonsulta, maaring mag-contact sa WiSUPPORT sa pamamagitan ng:
Call Hotlines: 0947-482-2864 (Smart), 0916-247-1194 (Globe)
Text Hotline: 0918-912-2813
Email: wisupport@dswd.gov.ph
Website: ekwentomo.dswd.gov.ph
Google Play Store application: https://play.google.com/store/apps/details?id=com.cudavasol.wisupport // MHEL PACIA

BNFM National

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

9 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

9 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

9 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

9 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

9 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

9 hours ago