DSWD REGION 2, nagpapatuloy sa pamamahagi ng ayuda sa mga LGUs

Nagpapatuloy ang pagmamahagi ng DSWD Region 2 ng mga Family Food Packs (FFPs) sa mga Local Government Units (LGUs) na may maraming kaso ng COVID-19.

Tinitiyak din ng ahensya ang availability ng food at non-food items para mabilis na maipamahagi ang mga ito sa mga apektadong LGUs.

Nito lamang April 1-27, umabot na sa 38, 173 family food packs o katumbas ng 18.8 million pesos ang naipamahagi ng DSWD Region 2 sa mga local na pamahalaan sa buong rehiyon.

Kahapon, May 4 ay nagbaba ang ahensya ng nasa 500 Family Food Packs (FFPs) sa Cauayan City at 300 FFPs sa Burgos Isabela.

Maliban dito ay nagpapatuloy din ang ginagawang re-packing ng mga food items sa Field Office katuwang ang mga kasundaluhan, PNP at BFP.

Ayon pa sa DSWD Region 2, ito ay karagdagan sa 10,443 FFPs stockpiles na may halagang  mahigit limang milyong piso na nakahandang ipamahagi sa mga apektadong LGUs.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *