DSWD Region 3 may nakalaang programa para sa mga rebeldeng nais magbalik loob sa gobyerno

CENTRAL LUZON- Nakahanda ang Department of Social Welfare and Development Region III na magbigay ng serbisyo at programa para sa mga rebeldeng nais magbalik loob sa pamahalaan.

Ito ay sa pamamagitan ng Livelihood Settlement Grants o LSG na isang uri ng financial assistance para sa mga dating rebelde at mga pamilyang apektado ng armed conflict.

Nakaraang taong 2020 at umabot sa labindalawang pamilya ang nakatanggap ng 20,000 bawat isa mula sa Caranglan, Nueva Ecija habang dalawampung benipisyaryo naman ng Community Vulnerable Areas o CVA sa Floridablanca, Pampanga ang nakatanggap ng 300,000 pesos.

Ang programang ito ay bahagi ng pagsulong ng gobyerno ng kapayapaan at mapanatili ito sa bansa.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Photo Courtesy: Screen grab from DSWD FO3 video

May be an image of 1 person and text

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *