DTI Camarines Sur, pinag-iingat ang publiko sa pagbili ng mga mystery parcels

CAMARINES SUR- Bagamat wala pa namang naitatalang reklamo mula sa mga consumer ang Department of Trade and Industry (DTI) Camarines Sur hinggil sa mga depektong produkto na nakukuha sa mga mystery parcels, pinag-iingat pa rin ng ahensya ang publiko rito.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay DTI Camarines  Sur Provincial Director Jay Ablan, sinabi nitong bukas ang kanilang opisina sa mga reklamong may kinalaman sa ganitong usapin. Aniya, hindi naman sa pinagbabawalan ngunit mahalagang kilatising mabuti ang mga online shops na pagbibilhan lalo na’t nahilig na rin ang karamihan na bumili sa mga online shops.

Sabi pa ni Ablan, kung tutuusin, malaking katipiran ang mga ganitong uri ng parcel ngunit kailangang tiyakin ng mga mamimili, maging ng mga logistics o delivery company na lehitimo ang mga nagbebenta ng mga mystery parcels.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *