DTI-Catanduanes, patuloy sa pamamahagi ng mga livelihood kits sa mga benepisyaryo ng LSP-NSB

BNFM BICOL–  Nagpapatuloy ang pamamahagi ng Department of Trade and Industry o DTI-Catanduanes ng mga livelihood kits sa kanilang mga napiling benepisyaryo mula sa iba’t-ibang mga bayan sa islang lalawigan.

Nitong nakaraang araw, na i-turn over sa walong benepisyaryo ang nasabing ayuda o kabuhayan kung saan apat sa mga nakatanggap ang mula sa bayan ng Viga habang tag-dalawa naman ang mula sa Panganiban at Bagamanoc.

Pinangunahan ni DTI-Catanduanes Business Development Division Head – Daisy Tabirara ang pag turn-over ng mga grocery items sa mga ito na ayon sa mga benepisyaryo ay malaking tulong upang makapasimula sila ng malit na negosyo.

Ang naturang programa ay nasa ilalim ng Livelihood Seeding Program-Negosyo Serbisyo Barangay ng naturang ahensya,  na may layuning matulungan ang mga lokal na MSMEs o malilit na negosyante sa bansa na makarekober mula sa krisis at malubhang epektong idinulot ng pandemya.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *