DTI dinayo ang bayan ng Mercedes para sa kanilang Diskwento Caravan

CAMARINES NORTE- Dumayo ang Department of Trade and Industry (DTI) nitong Biyernes sa bayan ng Marcedes Camarines Norte para sa buong araw na Diskwento caravan.

Siyam na participating retailers ang nakilahok sa DTI Rolling store na ginanap sa Jimmy P. Lo Sports Complex sa pakikipagtulungan ng Lokal na Pamahalaan.

Ang Diskwento caravan ay isang regular na proyekto ng DTI na naglalayong mabigyan ng access ang mga consumer sa basic goods, at prime commodities sa mababang presyo.

Tampok sa DTI rolling store ang iba’t- ibang produkto tulad ng bigas sa halagang P27 kada kilo mula sa National Food Authority (NFA) at mga agricultural products.

Hatid din ng DTI rolling store ang mga produktong tulad ng kape, tinapay, kakanin, hygiene products at iba pa.

Ayon sa DTI, pinupuntahan nila ang iba’t- ibang bayan katuwang ang mga retailers upang ilapit sa mga tao ang murang produkto.

Bahagi rin ito ng corporate social responsibility ng kanilang mga partner stores and company.

Mahigpit namang ipinatupad ang minimum public health standards tulad ng pagsusuot ng face mask at face shield, physical distancing at pag sanitize ng kamay.

At dahil buong araw ang Diskwento Caravan ay naiwasan ang mass gathering.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *