DTI, inilatag na ang mga panuntunan para sa muling pagbubukas ng mga gyms

Inilabas na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga panuntunan para sa muling pagbubukas ng mga gyms at iba pang fitness studios sa ilalim ng bagong alert level system.

Una, kailangan magtalaga ng health screening area sa point/s of entry; pangalawa, kailangang ipatupad ang four-meter physical distancing sa pagitan ng mga tao sa loob ng gym at tiyaking nakasuot ang mga ito ng face masks sa lahat ng oras.

Kaugnay nito, ipinagbabawal ang paggamit ng water fountains, maliban sa mga no-touch bottle refill stations; at ban rin ang pagsasagawa ng group activity.

Maliban dito, kailangan ring tiyakin ang sapat na air exchange sa mga enclosed spaces sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga istratehiya na nakasaad sa Labor department’s order 224-21; Maglalagay ng sanitation facilities o supplies, gaya ng handwashing station na may sapat at ligtas na water supply, sabon at 70% isopropyl o ethyl alcohol, hands-free trash cans, soap at towel dispensers, door openers, at iba pang kaparehong equipment.

Kailangan rin na mag-install ng visual cues o signages kung papaanu maiiwasan ang coronavirus; Maglalagay ng mga plastic barriers na maghihiwalay sa mga manggagawa mula sa kanilang mga customers; Magbibigay ng personal protective equipment sa lahat ng mga empleyado at magdi-disinfect ng pasilidad alinsunod sa Health department’s Memorandum No. 2020-0157. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *